Sa nakalipas na 24 oras, umuga ang 12 volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo.

Batay ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Abril 9.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, paalala ng ahensya.

Nangangahulugan anila itong may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan.

Hindi naman namamataan ang pagputok ng Pinatubo sa nalalapit na panahon.

“Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari,” saad pa ng Phivolcs.

The post 12 lindol naitala sa Mt. Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12-lindol-naitala-sa-mt-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12-lindol-naitala-sa-mt-pinatubo)