Nakapagtala ng 12 volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo sa nagdaang 24 oras.

Ayon ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Martes, Abril 27.

Nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.

Samantala, ayon pa sa Phivolcs, ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay dapat patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lang hanggang maaari.

The post 12 lindol umuga sa Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12-lindol-umuga-sa-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12-lindol-umuga-sa-pinatubo)