Sa kabuuang 3,025,600 doses ng COVID-19 vaccine na dumating sa bansa, 1,255,716 doses na ang naiturok sa mga mamamayan.

Batay ito sa datos ng Department of Health and National Task Force Against COVID-19, as of April 13.

Kabilang dito ang 1,093,651 katao na nabigyan ng unang dose, at 162,065 indibidwal na nakatanggap na ng dalawang doses mula noong Marso 1, kung kailan nagsimula ang vaccine rollout sa bansa.

Samantala, 2,801,020 milyong doses na, o 93% ng kasalukuyang suplay, ang naipamahagi sa 2,988 vaccination centers nationwide.

The post 1.2M vaccine doses sa PH naiturok na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-2m-vaccine-doses-sa-ph-naiturok-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-2m-vaccine-doses-sa-ph-naiturok-na)