Nadakip sa isinagawang anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cebu City ang 13 construction worker.

Nadiskubre na ginawang drug den ng mga suspek ang kanilang barracks nitong Abril 10 ng alas-7 ng umaga sa Sitio Apas Central sa Barangay Apas.

Kinilala ang mga suspek na sina Angel Candillada, 44; Jasper Mabitado, 24; Jaysson Candillada, 21; Clint Alferrs, 32; Jaime Zaspa, 41; Gregorio Donganciso, 27; Rogelio Baculi, 27; Pedro Respecio, 34; Ronel Sereneo, 33; Jester Lozada, 32; Arnel Hermosa, 38; Joeferson Denuyi, 27; at Abraham Estrella, 48.

Ayon kay PDEA-7 spokesperson Leia Albiar, nasa 163 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 ang nasabat.

Dagdag niya, nasa sampung gramo ng shabu kada linggo ang binabatak ng mga suspek.

The post 13 construction worker timbog sa drug bust first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/13-construction-worker-timbog-sa-drug-bust/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=13-construction-worker-timbog-sa-drug-bust)