Umakyat na sa 18,669 ang kabuuang bilang ng mga parak na nagpositibo sa coronavirus disease.

Ito’y matapos iulat ng Philippine National Police Health Service ngayong Lunes na may dagdag na 140 kaso sa hanay ng pulisya.

Kaya naman sumipa sa 2,228 ang mga aktibong kaso, o mga nagpapagaling pa sa sakit.

Samantala, tumalon sa 16,390 ang mga pulis na COVID-19 survivor matapos maitala ang 188 pang nakarekober.

Wala namang nadagdag sa mga pumanaw kaya 51 pa rin ang coronavirus death toll ng kapulisan.

The post 140 pang pulis sapul ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/140-pang-pulis-sapul-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=140-pang-pulis-sapul-ng-covid)