Sumampa na sa 15,554 ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na gumaling mula sa COVID-19, matapos maitala ang 171 bagong nakarekober.

Ayon naman kay PNP deputy chief for administration Guillermo Eleazar, 162 pulis pa ang kumpirmadong nagpositibo sa virus.

Kaya sa kabuuan, 18,703 parak na ang nasapul ng COVID-19 sa pulisya, kabilang ang 2,472 aktibong kaso.

Nanatili naman sa 47 ang death toll rate nito.

Samantala, 8,397 tauhan na ng PNP ang bakunado laban sa coronavirus.

The post 15.5K parak tinalo ang COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/15-5k-parak-tinalo-ang-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=15-5k-parak-tinalo-ang-covid)