17 kolehiyo at pamantasan na ang pumayag na magamit ang kanilang mga pasilidad bilang COVID-19 vaccination site, habang 20 iba pa ang nagsabing interesado sila sa parehong hakbang.

Ayon ito kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera III ngayong Miyerkoles.

“Mas maganda na mas marami yung vaccination facilities natin,” banggit pa ni De Vera sa dzBB.

Karamihan aniya sa mga pumayag na eskuwelahan ay nasa Metro Manila.

The post 17 paaralan pabor na gamiting vaccination center first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/17-paaralan-pabor-na-gamiting-vaccination-center/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=17-paaralan-pabor-na-gamiting-vaccination-center)