Naitala ang 174 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa nilabas na bulletin ng Phivolcs, Abril 15, nasa 120 ang nakitang volcanic tremor sa Taal, 53 naman ang low frequency na lindol, at may isang hybrid earthquake.

May mahinang pagpapakawala rin ng usok sa crater ng Taal na umabot sa limang metro ang taas.

Nananatili pa rin sa alert level 2 ang naturang bulkan, buhat nang mag-alburoto ito noong nakaraang taon.

“Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal,” saad pa ng ahensya.

The post 174 lindol umuga sa Taal Volcano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/174-lindol-umuga-sa-taal-volcano/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=174-lindol-umuga-sa-taal-volcano)