1.75 milyong Pilipino na sa NCR Plus ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa gobyerno, ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista.

Katumbas aniya ito sa na-disburse na P1.75-bilyon mula sa kabuuang P22.9-bilyong pondo.

“As of April 11, based na rin po ‘to sa data ng ating DILG (Department of the Interior and Local Government), ang actual beneficiaries paid is 1,757,281. Amount disbursed is 1,757,281,000. So eight percent Mr. President po ang amount disbursed,” sambit ng kalihim kay Pang. Duterte, Abril 12.

“Makikita po natin dito, talagang mayroon pong slow start ng rollout pero as experienced last year, na talagang ‘pag start po talaga, mabagal, pero after four to five days, doon na po nag-start ‘yong mabilis ang pagdi-distribute ng special assistance,” aniya pa.

P1,000 ang maximum na ayuda na pwedeng matanggap ng kada mamamayan na apektado ng lockdown, o hanggang P4,000 sa kada pamilya.

Magugunitang mula Marso 29 hanggang Abril 11 ay nakasailalim sa lockdown ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

The post 1.75M residente nakakuha na ng lockdown ayuda – DSWD first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-75m-residente-nakakuha-na-ng-lockdown-ayuda-dswd/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-75m-residente-nakakuha-na-ng-lockdown-ayuda-dswd)