191 pang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang gumaling mula sa COVID-19.

Kaya naman sumipa sa 13,576 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na parak.

Ayon pa kay PNP deputy chief for administration Guillermo Eleazar, Martes, sumipa sa 16,230 ang mga pulis na nagpositibo sa sakit matapos maiulat ang 173 bagong impeksyon.

Umakyat naman sa 2,614 ang bilang ng mga parak na kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19, habang nananatili sa 40 ang coronavirus death toll ng kapulisan.

As of April 5, ang bilang ng mga aktibong kawani ng PNP na nabakunahan kontra coronavirus ay 4,375 na.

The post 191 pang pulis dinaig COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/191-pang-pulis-dinaig-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=191-pang-pulis-dinaig-covid)