Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf sa engkwentro sa Sulu nitong Biyernes.

Sa pahayag ni Western Mindanao Command (Westmincom) commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., sinabi nito na bandang alas-9:30 ng umaga ay nagkaroon ng bakbakan sa border ng barangay Taung, Taglibi at Panglayahan.

Nagsasagawa ng military operation ang mga tauhan ng Joint Task Force-Sulu nang maispatan nila ang grupo na tagasunod ni Mudzmar Sawaadjaan alyas Abu Mundi, lider ng Abu Sayyaf.

Nakatakas ang ilang bandido, habang nasawi naman sina Mujafal Sawadjaan at Muktihar Taha.

“Mujafal was on the ASG watchlist as of the yearend 2020. He is the brother of Mundi. On the other hand, Muktihar was not on the watchlist but he was known to be an active follower of Mundi,” ayon kay Vinluan.

The post 2 Abu Sayyaf todas sa Sulu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-abu-sayyaf-todas-sa-suli/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-abu-sayyaf-todas-sa-suli)