Dalawa pang pagamutan ang pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) na gumamit ng antiparasitic drug na ivermectin sa kanilang mga pasyenteng may COVID-19.

Sa ulat ng CNN PH, sinabing binigyan ng FDA ng compassionate special permit (CSP) ang dalawang ospital na hindi pinangalanan.

Sa ngayon, limang ospital na ang ginawaran ng FDA ng CSP para sa nasabing gamot.

Ito’y kahit pa makailang ulit nang nagbabala ang mga health expert, kabilang ang FDA at Department of Health, sa kakulangan ng ebidensya sa pagiging mabisa ng ivermectin laban sa COVID-19.

The post 2 pang ospital pwede na gumamit ng ivermectin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pang-ospital-pwede-na-gumamit-ng-ivermectin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-pang-ospital-pwede-na-gumamit-ng-ivermectin)