Patay ang dalawang bata sa nangyaring sunog sa Caloocan City nitong Bieyrnes ng gabi.

Nangyari ang sunog sa Barangay 43 sa kahabaan ng Ana Bustamante St., 2nd Avenue.

Ilang minuto lamang tumagal ang sunog, ngunit ayon sa Bureau of Fire Protection ay dalawang bata na tatlong taong gulang ang naiwanan dahilan ng pagkamatay nito.

Apat na pamilya ang tinatayang naapektuhan ng naturang sunog na nagsimula sa first floor ng isang dalawang palapag na bahay.

The post 2 paslit tinodas ng sunog sa Caloocan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-paslit-tinodas-ng-sunog-sa-caloocan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-paslit-tinodas-ng-sunog-sa-caloocan)