Inulat ng Philippine National Police (PNP) na 215 ang bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay nitong Biyernes.

Dahil dito’y umakyat sa 2,456 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa kapulisan sa bansa.

Nadagdagan naman ng 281 ang nakarekober sa sakit, sumampa na sa 14,477 ang total na bilang ng mga gumaling sa PNP.

Habang naitala naman sa 42 ang death toll ng PNP sa dalawang bagong nasawi sa new coronavirus.

The post 215 pulis dagdag sa COVID positive first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/215-pulis-dagdag-sa-covid-positive/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=215-pulis-dagdag-sa-covid-positive)