Aabot sa 24 katao ang nasawi matapos na turukan ng COVID-19 vaccine sa ‘Pinas, ayon sa datos ng Food and Drug Administration (FDA).

Ito’y kabilang sa kabuuang 1,006,511 na nabakunahan na laban sa COVID-19, kung saan 497,837 ang naturukan ng CoronaVac mula Chinese pharmaceutical firm na Sinovac, at 508,674 naman ang tumanggap ng AstraZeneca vaccine.

Sa bilang ng mga namatay, 10 katao ang tinurukan ng Sinovac, habang 14 naman ang sa AstraZeneca.

11 sa mga nasawi ay nasawi dahil sa COVID-19, walo naman ang dahil sa cardiovascular/cerebrovascular, tatlo ay namatay dahil sa infectious disease na iba sa new coronavirus, habang dalawang kaso naman ang sinusuri pa.

Paliwanag ng FDA, karamihan ng namatay ay may mga comorbidity o may ibang dinadamdam na sakit.

Ayon pa sa ahensya, 19 dito ay ‘coincidental event’ o nagkataon lang.

The post 24 todas matapos bakunahan sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/24-todas-matapos-bakunahan-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=24-todas-matapos-bakunahan-sa-pinas)