Sa nakalipas na 24 oras, umuga ang 26 volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano.

Ayon din sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Abril 28, nagpakawala ang bulkan ng mahina hanggang katamtamang puting usok.

Nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Kanlaon, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” pa rin ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing pinaaalala ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone ng nasabing bulkan, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions.

The post 26 lindol naitala sa Kanlaon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/26-lindol-naitala-sa-kanlaon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=26-lindol-naitala-sa-kanlaon)