Umuga ang 26 volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Abril 26.

Saad ng ahensya, nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan.

Hindi naman namamataan ang pagputok ng Pinatubo sa nalalapit na panahon.

“Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari,” paalala pa ng Phivolcs.

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” dagdag nito.

The post 26 lindol naitala sa Mt. Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/26-lindol-naitala-sa-mt-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=26-lindol-naitala-sa-mt-pinatubo)