Sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umuga ang 29 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Kabilang anila rito ang 23 volcanic tremors na tumagal nang mula isa hanggang 12 minuto, anim na low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor na naitala simula Abril 8 ng umaga.

Ayon pa sa Abril 25 bulletin ng Phivolcs, naitala rin ang mahinang pagsingaw, pagbuga ng sulfur dioxide, at marahan na pamamaga ng naturang bulkan.

Paalala ng ahensya, kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Sa Alert Level 2, maaaring biglaang maganap at manalasa ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

The post 29 lindol naitala sa Taal Volcano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/29-lindol-naitala-sa-taal-volcano/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=29-lindol-naitala-sa-taal-volcano)