382 pang indibidwal ang nagpositibo sa apat na bagong COVID-19 variant na meron sa Pilipinas.

Ayon ito sa ulat ng Department of Health, UP-Philippine Genome Center, at UP-National Institutes of Health ngayong Linggo, Abril 11.

Sa nasabing bilang, may 192 dagdag na nahawa sa South Africa variant, 170 sa UK variant, 19 sa Philippines variant, at 1 sa Brazil variant.

Kaya naman, as of April 9, 2021, pumalo na sa 861 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng bagong variants sa bansa, kabilang ang 374 gumaling at 5 namatay.

Muli namang pinaalala ng DOH sa madla na sumunod sa minimum public health standards at suportahan ang national vaccination program para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ‘Pinas.

https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/posts/4314437061900846?__cft__[0]=AZVj4Wg2GNCXrK8f0Dc-zWPdAtNIgO2lG8cDLxxmehSF0XCMcCXLImdYjKRZURbTx1RHU59FCIIFHvmCQWLci68cQGKgTyzuXaH6Yhky_VGfxP1tl8ix08VGuMcpQh3C2DTVaebwQVBUPE17oOQhhbk5&__tn__=%2CO%2CP-R

The post 382 bagong sapol ng 4 COVID variant sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/382-bagong-sapol-ng-4-covid-variant-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=382-bagong-sapol-ng-4-covid-variant-sa-ph)