Patay ang aabot sa 41 katao matapos na lumubog ang isang barko sa karagatan ng Sidi Mansour sa southeast Tunisia.

Sa ulat ng UN Refugee Agency (UNHCR), sinabi na 41 bangkay na ang narekober, kasama dito ang isang bata.

Base naman sa report ng local UNHCR at International Organization for Migration, tatlong katao ang nailigtas ng Tunisian National Coast Guard sa naturang insidente.

Ayon pa sa UNHCR, lahat ng nasawi ay mula sa Sub-Saharan Africa.

Patuloy ang isinasagawang search operation sa karagatan.

The post 41 lunod sa paglubog ng barko sa Tunisia first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/41-lunod-sa-paglubog-ng-barko-sa-tunisia/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=41-lunod-sa-paglubog-ng-barko-sa-tunisia)