Dumating na sa Pilipinas ngayong umaga ang binili ng gobyerno na 500,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech.

Lumapag sa NAIA Terminal-2 kaninang alas-7:05 ng umaga, Abril 29, ang Cebu Pacific chartered flight 5J671 mula Beijing, China na nagbibitbit ng CoronaVac.

Ito na ang pang-apat na delivery ng CoronaVac sa bansa galing Tsina. Sa kabuuan, may 3.5 milyong doses na ng Sinovac bakuna sa bansa.

Nangyari ito matapos sabihin ni Pang. Duterte na “mayroon tayong utang na loob na marami” sa China, kabilang ang donasyong 1 milyong doses ng CoronaVac noon.

The post 500K Sinovac bakuna lumapag na sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/500k-sinovac-bakuna-lumapag-na-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=500k-sinovac-bakuna-lumapag-na-sa-ph)