Handang iwan ni Taiwan transportation minister Lin Chia-lung ang kanyang posisyon para akuin ang responsibilidad sa nangyaring train crash na kumitil sa buhay ng 51 katao.

Ayon sa report ng Central news Agency, tumawag na si Lin kay Su Tseng-chang, ang premier ng Taiwan, para ihain ang kanyang resignation.

Noong Biyernes ay nangyari ang pagkadiskaril ng tren sa loob ng isang tunnel sa rehiyon ng Taitung.

Sa naturang aksidente, abot sa 51 ang nasawi habang 200 naman ang nasugatan.

Siniguro naman ni Taiwan President Tsai Ing-wen na tutulungan ang bawat pasaherong naapektuhan sa naturang insidente.

The post 51 todas sa train crash: Taiwan transport minister handang mag-resign first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/51-todas-sa-train-crash-taiwan-transport-minister-handang-mag-resign/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=51-todas-sa-train-crash-taiwan-transport-minister-handang-mag-resign)