Kabuuang 55 bahay ang nasunog sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City kahapon, Abril 26, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Chief Insp. Rodel Legaspi, city fire marshal, agad silang rumesponde sa sunog matapos maispatan ang makapal na usok mula sa kanilang fire station.

Nagsimula ang apoy bandang alas-4:18 ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Teresa PestaƱo, 65.

Ani Legaspi, kumalat ang apoy sa maraming bahay dahil sa malakas na hangin.

Walang naiulat na casualties bagaman ilang residente ang nagtamo ng minor injuries nang magbayanihan upang maapula ang apoy, na idineklarang fire out bandang alas-5:21 ng hapon.

Tinitingnang sanhi ng sunog ang overheated electrical installation.

The post 55 bahay natupok sa Bacolod first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/55-bahay-natupok-sa-bacolod/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=55-bahay-natupok-sa-bacolod)