Nasa 57,793 katao o 15,852 pamilya sa buong Kabikolan ang na-displace dulot ng Bagyong Bising.

Ayon ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang nitong alas-7 ng gabi, Abril 18.

Kabilang dito ang 35,054 indibidwal (9,833 pamilya) sa Albay, 19,199 (5,109 pamilya) sa Catanduanes, 3,251 (835 pamilya) sa Camarines Sur, at 369 (75 pamilya) sa Sorsogon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan si Bising sa 250 kilometro silangan hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes, bitbit ang lakas ng hangin na hanggang 195 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kph.

Samantala, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa ilang lugar, kabilang ang Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Albay, at silangan at gitnang mga bahagi ng Sorsogon.

The post 57K sa Bicol nilikas dahil kay Bising first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/57k-sa-bicol-nilikas-dahil-kay-bising/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=57k-sa-bicol-nilikas-dahil-kay-bising)