Gumaling ang aabot sa 59 inmate matapos na tamaan ng COVID-19 sa kulungan sa Bataan.

Kasama ang mga nakarekober na preso sa 82 bagong COVID-19 survivor sa nasabing probinsya, akyat na sa 4,558 ang total na bilang ng gumaling sa lugar.

Bukod sa mga preso, dalawang bata rin ang matagumpay na nakaligtas sa COVID-19.

Samantala, tatlo naman ang nadagdag sa namatay sa Bataan, 146 na ang death toll sa probinsya.

Sa 5,316 total case sa Bataan, 612 dito ang active case, habang 13,003 naman ang nabakunahan na.

The post 59 preso ganap na COVID survivor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/59-preso-ganap-na-covid-survivor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=59-preso-ganap-na-covid-survivor)