Balak ng pamahalaan na turukan ng COVID-19 vaccine ang 5,000 trabahador sa Araw ng mga Manggagawa.

“Humingi ako kay Secretary (Carlito Jr.) Galvez… binigyan naman ako ng 5,000 bakuna para sa pagbabakuna namin ng 3,000 OFW (overseas Filipino workers) at saka 2,000 [minimum wage na] mga manggagawa,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III sa ABS-CBN’s Teleradyo, Abril 28.

“Gumagawa na kami ngayon ng listahan,” dagdag niya, at sinabing hinihingi nila ang rekomendasyon ng mga dapat na mabakunahan galing sa mga DOLE agency, mga business establishment, mga OFW association, mga unyon, at Department of Trade and Industry.

“Malalaman natin ‘yung listahan ng 5,000 workers — overseas and local — by this afternoon,” ayon pa sa kalihim.

Bibigyang-prayoridad aniya ang mga kawani na senior citizen at iyong may comorbidities.

Banggit niya pa, sa Mayo 1 ay tatanggap ang mga empleyado ng bakuna na gawa ng Sinovac o ng AstraZeneca.

The post 5K obrero babakunahan sa Labor Day first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5k-obrero-babakunahan-sa-labor-day/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5k-obrero-babakunahan-sa-labor-day)