Umuga ang anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon pa sa Phivolcs sa Abril 5 bulletin nito, nakapagtala rin ng “very weak to moderate” na pagsingaw ng usok sa bulkan na umabot sa 300 metro ang taas.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Kanlaon, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng bulkan dahil may tsansa pa rin anila itong sumabog.

The post 6 lindol naitala sa Kanlaon Volcano first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-lindol-naitala-sa-kanlaon-volcano/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-lindol-naitala-sa-kanlaon-volcano)