Mula Linggo ng umaga, may anim na rockfall events na nangyari sa Bulkang Mayon.

Ayon ito sa 8 a.m. bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Lunes, Abril 19.

Nananatili namang nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” pa rin ito.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs sa madla ang hindi pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon, dahil maaari anilang mangyari ang “perennial life-threatening dangers of rockfalls, landslides/avalanches at the middle to upper slope, sudden ash puffs and steam-driven or phreatic eruptions from the summit.”

The post 6 rockfall naitala sa Mt. Mayon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-rockfall-naitala-sa-mt-mayon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-rockfall-naitala-sa-mt-mayon)