Nasa 79 pasahero ang dinakip ng mga tauhan ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC) dahil sa pagpresinta ng pekeng RT-PCR test result nang dumating sa Davao International Airport (DIA).

Kaya nitong Sabado muling pinaalalahanan ni PSSCC chief Angel Sumagaysay ang mga pasahero na magpa-swab test lamang sa mga ospital at testing laboratory.

Nauna nang nagbabala si Mayor Sara Duterte na maliban sa kakaharaping criminal offense, mas malaki pa ang magagastos ng mga pasahero sa pagpresinta ng pekeng RT-PCR.

Nasa P1,000 hanggang P2,000 ang pekeng RT-PCR result at kapag nahuli ay ire-require ang mga pasahero na magpa-swab test sa DIA na nagkakahalaga ng P4,500.

Naglalaro naman sa P6,000 at P40,000 ang inquest bail.

The post 79 pasahero inaresto sa Davao airport first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/79-pasahero-inaresto-sa-davao-airport/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=79-pasahero-inaresto-sa-davao-airport)