Pumalo sa 203,710 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Sabado matapos panibagong 11,101 ang magpositibo.

Sa ngayon ay pumatak na sa 926,052 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa bansa mula ng pandemya, 22 porsiyento ang active case.

Samantala, tumaas naman sa 15,810 ang death toll matapos 72 pasyente pa ang namatay sa virus.

799 pasyente naman ang nakarekober, na nagpasipa sa total recoveries sa 706,532.

The post Active COVID case sumirit sa 203K! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/active-covid-case-sumirit-sa-203k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=active-covid-case-sumirit-sa-203k)