Nitong Linggo, nag-anunsyo ang mga mall sa NCR Plus ng bago nilang operating hours ngayong niluwagan na ang quarantine status ng nasabing bubble.

Dahil inusog na ang curfew sa NCR Plus — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal — mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, mas matagal nang bukas ang mga malalaking mall mula Abril 12 hanggang Abril 30, 2021.

Sa nasabing panahon ay nakasailalim ang NCR Plus sa modified enhanced community quarantine o MECQ.

Bukas ang essential stores sa mga sumusunod na mall sa ganitong panahon:

Ayala Malls – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Fisher Mall/Fisher Department Store – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Fisher Supermarket – 7 a.m. hanggang 8 p.m.
Robinsons Malls – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
SM Supermalls – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Starmall sa Alabang, EDSA-Shaw at San Jose Del Monte – 9 a.m. hanggang 7 p.m.
The Podium – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Vista Mall sa Metro Manila – 10 a.m. hanggang 7 p.m.
Vista Mall sa Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna – 10 a.m. hanggang 5 p.m.

Samantala, pansamantalang sarado ang Festival Mall simula Abril 12. Mananatili namang bukas at libre mag-park sa kanilang parking areas na Alabang-Zapote at Parkway.

The post ALAMIN: Iskedyul ng NCR Plus malls hanggang Abril 30 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-iskedyul-ng-ncr-plus-malls-hanggang-abril-30/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-iskedyul-ng-ncr-plus-malls-hanggang-abril-30)