Hindi pabor si Senate President Tito Sotto sa tinutulak ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ang gusto niyang mangyari ay sibakin lang sa puwesto ang “mga madaldal.”

“Removing the NTF-ELCAC budget would be giving back 37 provinces to the terrorists for their playground. Remove the talkative ones instead!” tweet ni Sotto kaninang umaga.

Magugunitang tinutulak nina Senador Joel Villanueva at Senador Win Gatchalian na i-defund na ang NTF-ELCAC matapos magsalita si NTF-Elcac spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. laban sa nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry.

Inihalintulad ni Parlade si Ana Patricia Non kay Satanas.

The post Alisin lang ang madaldal sa NTF-ELCAC, huwag ang pondo – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alisin-lang-ang-madaldal-sa-ntf-elcac-huwag-ang-pondo-sotto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alisin-lang-ang-madaldal-sa-ntf-elcac-huwag-ang-pondo-sotto)