Isang ambulansya ng Quezon City, na may sakay na COVID-19 survivor, ang humampas sa isang concrete barrier sa Maynila kagabi.

Nanggaling ang sasakyan sa isang quarantine facility kung saan kinuha nito ang gumaling na pasyente para iuwi na sa kanyang bahay.

Sa ulat ng dzBB, sinabing hindi nakita ng driver ng ambulansya ang naturang concrete divider.

Isang babaeng pasahero ang sugatan sa insidente at dinala sa ospital.

Samantala, nailipat naman ang coronavirus survivor sa isa pang ambulansya.

The post Ambulansya na may dalang COVID survivor sumalpok sa concrete barrier first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ambulansya-na-may-dalang-covid-survivor-sumalpok-sa-concrete-barrier111/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ambulansya-na-may-dalang-covid-survivor-sumalpok-sa-concrete-barrier111)