Niri-red tag umano ngayon ang anak ng pinaslang na coordinator ng Bayan Muna sa Iloilo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, nagkalat sa Iloilo ngayon ang poster at tarpaulin na nag-uugnay kay Lean Porquia sa rebeldeng grupong New People’s Army.

Si Porquia ay anak ni Jory Porquia, ang coordinator ng Bayan Muna na pinaslang sa loob ng kanyang bahay noong Abril 30, 2020.

Sinabi ni Gaite na hanggang ngayon ay wala pa ring naaaresto ang pulisya kaugnay ng pagpatay. Ayon sa pulisya, pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang.

Bago pinaslang, si Jory ay ni-red-tag at ang kanyang community kitchen ay siniraan.

“It’s clear that red-tagging is already a policy of the Duterte administration. They use it to demonize and silence every critic, every activist, and even ordinary citizens involved in the community pantry,” sabi ni Gaite.

Itinutulak ni Gaite na maging krimen ang red-tagging at nais nito na alisan ng pondo at buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nangunguna umano sa red-tagging.

The post Anak ng pinaslang na Bayan Muna coordinator niri-redtag first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anak-ng-pinaslang-na-bayan-muna-coordinator-niri-redtag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=anak-ng-pinaslang-na-bayan-muna-coordinator-niri-redtag)