Binida ni Malabon Mayor Lenlen Oreta ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Dr. Tricia Robredo.

Nagulat kasi aniya siya nang malaman na tumulong si Tricia sa Swab Cab initiative ng Office of the Vice President.

“Nagulat ako ng malaman ko na si Dra. Tricia Robredo ang attending doctor sa ginawang SWAB CAB kanina,” banggit ng alkalde sa Facebook kagabi.

“Dra. Tricia, maraming salamat sa iyong efforts, ngunit more than the number of antigen tests you conducted today, we are more thankful for the inspiration your family provides.”

“For us to overcome this pandemic we all have to do our part. Caring for others is another form of cure. Again, thank you VP Leni Robredo and family for caring,” aniya pa at naglakip ng ilang larawan ng anak ng Bise.

Ang Swab Cab ay naglalayong tulungang palakasin ang COVID-19 testing capacity ng mga lokal na gobyerno. Libreng mobile testing facility ito na nagpupunta sa mga lugar na may mataas na transmission at infection rate.

Pilot area nitong inisyatibo ang Malabon City, na ginanap noong Marso 30 at Abril 6.

The post Anak ni Robredo na-shout out ng Malabon mayor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anak-ni-robredo-na-shout-out-ng-malabon-mayor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=anak-ni-robredo-na-shout-out-ng-malabon-mayor)