Naka-recover na sa COVID-19 si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at nakatapos na rin sa kanyang 14 na araw na home quarantine.

Pero kahit nakatapos na ng 14-day quarantine, sinabi ng kalihim na mananatili pa rin ito sa limang araw na voluntary quarantine para makasigurong ligtas ang mga nakapaligid nito at mga makakasalamuha.

“I am pleased to share that I have fully recovered from COVID-19 after undergoing a 14-day home quarantine,” ani Andanar.

Nagpasalamat ang kalihim dahil nalagpasan ang bagsik ng COVID-19 kasabay ang pasasalamat din sa mga nagpaabot ng suporta at dasal sa kanyang maayos na paggaling.

Kasabay nito pinalakas ni Andanar ang loob ng mga tinamaan ng COVID-19 na manatiling matatag at manalig sa Diyos para sa mabilis na paggaling.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang publiko na palaging sumunod sa health protocols para makabangon ang bansa sa epekto ng pandemya.

“We continue to remind everyone to observe all health protocols for us to be on the road towards our collectively recovery as a nation from this pandemic,” dagdag ni Andanar.

The post Andanar magaling na sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/andanar-magaling-na-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=andanar-magaling-na-sa-covid)