Habambuhay umanong hihingi ng patawad si Angel Locsin sa pamilya ng nasawing senior citizen na inatake habang nasa pila ng binuksan niyang community pantry para sa kanyang kaarawan noong Abril 23.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po siya na pumila daw po ng 3am at may nakainitan sa pila,” aniya sa Facebook post.

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila,” dagdag niya.

Inamin niyang may pagkakamali siya sa inorganisang birthday pantry.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y ‘wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari,” sambit niya.

Sa ngayon daw ay prayoridad niya na matulungan ang pamilya ng pumanaw na senior citizen.

“I will make it my responsibility to help them get through this. I am very, very sorry,” dagdag niya.

The post Angel inako kapalpakan sa birthday pantry first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angel-inako-kapalpakan-sa-birthday-pantry/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angel-inako-kapalpakan-sa-birthday-pantry)