Ngayong ika-36 birthday niya, nagsimula na si Angel Locsin sa pamamahagi ng pagkain at iba pang essential items sa kanyang community pantry.

Sa update ng netizens, dinumog ng mga tao ang community pantry ng aktres sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Bago ito ay nag-abiso si Angel na alas-10 ng umaga pa talaga sila magbubukas kahit marami na ang pumila nang maaga. Nagpaalala rin siyang panatilihin ang COVID-19 protocol na social distancing.

Una nang sinabi ni Locsin na bukas ang itinayo niyang community pantry hanggang alas-4 ng hapon o hangga’t meron pang laman ang pantry.

The post Angel nag-birthday sa community pantry niya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angel-nag-birthday-sa-community-pantry-niya1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angel-nag-birthday-sa-community-pantry-niya1)