Nagpositibo sa COVID-19 ang actress-politician na si Angelica Jones.

Binahagi niya sa Facebook na nahawa siya, ang kanyang 8-anyos na lalaking anak, at ang 62-anyos niyang nanay sa coronavirus.

Naka-confine aniya sila sa San Pablo District Hospital.

“Humihingi po ako ng paumanhin… 14 days muna di ko masasagot mga text or call,” ani Jones, isang board member sa Laguna 3rd District.

“Me, my mom and Angelo are positive of Covid-19.
Humihingi kami po ng inyong patuloy na dasal malampasan namin itong pagsubok,” banggit pa niya sa hiwalay na FB post.

The post Angelica Jones dinapuan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angelica-jones-dinapuan-ng-covid-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angelica-jones-dinapuan-ng-covid-2)