Isa sa mga aalamin ng pamahalaan bago bumili ng booster shot para sa COVID-19 vaccine ay ang tagal ng antibodies sa katawan ng isang Pinoy na nabakunahan na.

Ayon ito kay treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, Linggo.

Ginagamit ang booster shot upang mas tumagal ang pagiging epektibo ng isang bakuna sa isang nabakunahang indibidwal.

“Pag-aaralan pa kung gaano katagal ang mga antibodies sa ating katawan matapos ang pagbabakuna. Pag-aaralan pa kung kailangan pa ng booster shot after ng 2nd dose,” ani Vega sa dzBB.

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na posibleng booster shots na lang ang bilhin ng gobyerno kaysa dagdagan nang 5 milyon ang COVID-19 vaccines na bibilhin sa Moderna.

The post ‘Antibodies susuriin para malaman kung kailangan ng booster shot’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/antibodies-susuriin-para-malaman-kung-kailangan-ng-booster-shot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=antibodies-susuriin-para-malaman-kung-kailangan-ng-booster-shot)