Pinili ng Holy See ang Antipolo Cathedral bilang isa sa mga kasama ni Pope Francis na mangunguna sa Marian prayer tungkol sa pagwawakas nitong pandemya.

Ang Holy See ang central governing body ng Simbahang Katoliko.

“The National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage is chosen by the Pontifical Council for Promotion of the New Evangelization in Vatican as one of the Marian Sanctuaries to participate in a marathon of prayer in the whole month of May to end the pandemic,” anunsyo ng katedral sa Facebook kahapon.

30 Marian shrine sa buong mundo ang inimbita na makiisa sa inisyatibo ng Santo Papa na ipagdasal, sa kada araw ng Mayo, ang iba’t ibang mga sektor na apektado ng COVID-19 crisis.

Hiniling ng Holy See ang Antipolo Cathedral na dasalin ang Banal na Rosaryo para sa lahat ng mga pamilya.

Live anila itong ieere ng Vatican Media, hatinggabi ng Mayo 8, 2021 (PH time).

The post Antipolo Cathedral mangunguna sa dasal vs. pandemic first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/antipolo-cathedral-mangunguna-sa-dasal-vs-pandemic/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=antipolo-cathedral-mangunguna-sa-dasal-vs-pandemic)