Hiniling ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin nang 30 araw ang deadline ng paghahain ng income tax return para sa taong 2020.

Ipinunto ni Rodriguez na maraming tao ang hirap na maaasikaso ang paghahain ng ITR lalo sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“Because of the pandemic, the current lockdown and the policy that discourages people from going out of their homes and limits face-to-face interaction, the DOF and the BIR should give millions of taxpayers or their representatives longer time to file their tax returns and make payments,” ani Rodriguez.

Ang deadline ay sa Huwebes, Abril 15.

Sinabi ni Rodriguez na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring makapaghain ng ITR online dahil ang mga kinakailangang dokumento ay nasa kanilang mga opisina na sarado dahil sa lockdown.

Maaari umano na mayroong mga empleyado na siyang nangangasiwa sa ITR na nahawa ng COVID-19 kaya sila ay naka-quarantine.

Limitado rin umano ang mga pampublikong sasakyan ay may mga tanggapan ng BIR na isinasara para sa disinfection samantalang limitado ang operasyon ng mga bangko na maaaring tumanggap ng ITR.

Mayroon din umanong mga korporasyon na maaaring makakuha ng tax incentives sa ilalim ng CREATE na kamakailan lamang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi pa ito naipatutupad ng BIR.

“Clearly, there is an urgent need for the DOF and the BIR to extend the filing deadline to give taxpayers or their representatives more time to comply with the filing requirement. The extension would also enable the BIR to introduce the adjustments required by the new law,” saad ng solon.

The post Apela sa DOF, BIR filing ng ITR palawigin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/apela-sa-dof-bir-filing-ng-itr-palawigin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=apela-sa-dof-bir-filing-ng-itr-palawigin)