Inanunsyo ni Argentina President Alberto Fernandez na nagpositibo siya sa COVID-19.

“I wanted to tell you that after presenting a fever record of 37.3 (degrees Celsius) and a slight headache, I performed a test whose result was positive,” saad ng presidente sa kanyang Twitter account nitong Sabado.

Dagdag ni Fernandez, 62, sa kabila na hinihintay pa niya ang kumpirmasyon sa kanyang polymerase chain reaction test ay naka-isolate na siya.

Nanawagan siya sa lahat na maging mapagbantay at dapat ipagpatuloy ang pangangalaga sa sarili dahil maliwanag na hindi pa tapos ang pandemya.

Noong Biyernes nakapagtala ng 9,902 bagong kaso ng COVID-19 ang Argentina.

Sa ngayon ay kabuuan nang 2,373,153 katao ang tinamaan ng virus sa kanilang bansa, 56,023 ang nationwide death toll.

The post Argentina president positibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/argentina-president-positibo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=argentina-president-positibo-sa-covid)