Nakatakdang sampolan ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) sa Office of the Ombudsman sa susunod na linggo ang isang Assistant Secretary at isang Regional Director na sangkot umano sa multi-bilyong pisong anomalya.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PACC Chairman Greco Belgica na hinihintay lamang nilang magbukas ang Ombudsman na pansamantalang naglockdown dahil mayroong mga tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Belgica na ang mga nabanggit na opisyal ay sangkot umano sa anomalya na mahbibigay sana ng dagdag na buwis sa gobeyrno.

“We will be filing the case next week. It is Assistant Sectary that is involved and regional officers, na because of greed taxes are lost sa ating pamahalaan ” ani Belgica.

May mga opisyal aniyang gustong pumarte at kinokontrol at hinaharang yung transaksiyon na dahilan para malaki ang nawawala sa kita ng gobyerno.

Sinabi ni Belgica na kabilang sa mga iniimbestigahan nila ay mga presidential appointee na biglang-yaman o hindi angkop ang kinikita sa luho ng kanilang pamumuhay.

” Mayroong mga matataas na opisyal na nirereport sa amin na iyong kanilang gastos, iyong kanilang ari-arian ay hindi commensurate sa kanilang kinikita bilang official lalong-lalo na sa declared nila sa SALN, sila po ay puwedeng kasuhan ng unexplained wealth,” dagdag ni Belgica.

The post Asec, regional director sasampolan ng PACC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/asec-regional-director-sasampolan-ng-pacc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=asec-regional-director-sasampolan-ng-pacc)