Pinayagan na ulit ang patuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa mga edad 59 pababa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito’y matapos na magbigay ng go signal ang mga health expert na magamit muli ang bakuna sa kabila ng nakitang side effect na pamumuo ng dugo sa ilang tinurukan ng AstraZeneca vaccine.

“Bottomline nito ay tayo ay maglalabas ng isang guideline para sa paggamit ng AstraZeneca to include these different precautions na binigay ng Food and Drug Administration,” saad ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Matatandaan na noong April 8 ay pinatigil ng DOH ang pagtuturok ng bakuna para sa mga indibiduwal na hindi pa senior citizen dahil sa blood clot na nakita sa iilang tinurukan ng AstraZeneca vaccine.

Ilang araw ang nakalipas ay nirekumenda ng FDA na muling gamitin ang bakuna dahil mas matimbang ang pakinabang na nakukuha dito kaysa sa risk ng pagkakaroon ng blood clot.

“Dito sa atin wala pang nakita yung adverse events committee natin na similar cases. Pero sa Europa at saka sa ibang parte ng mundo, nakita na very rare naman ito,” ayon kay FDA director general Eric Domingo.

The post AstraZeneca puwede na ulit sa edad 59 pababa – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/astrazeneca-puwede-na-ulit-sa-edad-59-pababa-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=astrazeneca-puwede-na-ulit-sa-edad-59-pababa-doh)