Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaapektuhan ng panghihimasok ng China sa West Philippine Sea ang bilateral relations at vaccine cooperation nito sa Pilipinas.

Sa isang online briefing kahapon, binasa ni presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Duterte na “patuloy nating reresolbahin ang isyu sa Julian Felipe sa pamamagitan ng mga diplomatiko at mapayapang paraan.”

“Whatever differences we have with China will not define our bilateral relations and it will not be an obstacle to the overall positive trajectory of our bilateral friendly relations and our deepening cooperation in the pandemic response, including vaccine cooperation and in post-pandemic economic recovery,” dagdag ni Duterte.

Una nang sinabi ng Palasyo na umaasa ang pangulo na dahil “mas close” na ang ‘Pinas at China ngayon ay mas mapayapa na nitong malulutas ang panibagong isyu hinggil sa pagtambay at pagbakod ng daan-daang barko ng China sa Julian Felipe Reef sa WPS.

The post ‘Away sa WPS ‘di haharang sa pagtulong ng China sa bakuna’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/away-sa-wps-di-haharang-sa-pagtulong-ng-china-sa-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=away-sa-wps-di-haharang-sa-pagtulong-ng-china-sa-bakuna)