Sino nga ba ang ‘greatest of all-time’ ng PBA?

Ilan sa mga nakakasama sa diskusyon ay sina ‘Kap’ Alvin Patrimonio, six-time PBA MVP June Mar Fajardo, at syempre ang all-time league leader sa points, rebounds at blocks na si Ramon Fernandez.

Sa panayam ng ‘Sportalakan’ kay ‘Don Ramon’, naitanong kung sino ba para sa kanya ang maituturing na PBA GOAT?

“Mabuti na mga fans ang magsabi niyan dahil syempre, kung ako magsasabi niyan, bias masyado ako,” tugon ni Fernandez, na ngayo’y nagsisilbi bilang commissioner ng Philippine Sports Commission.

“That’s best left to the basketball aficionados para maganda ang ‘Sportalakan’ nila ‘yan,” aniya pa.

Si Fernandez ay isa sa mga dominanteng player noong dekada 70s hanggang 90s, nagwagi ng 19 kampeonato sa PBA.

The post Ayaw maging bias! Ramon Fernandez tikom kung sino PBA GOAT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayaw-maging-bias-ramon-fernandez-tikom-kung-sino-pba-goat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ayaw-maging-bias-ramon-fernandez-tikom-kung-sino-pba-goat)