Binakunahan na ng unang dose ng Sinovac vaccine si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla.

“Ang inyong lingkod ay nabakunahan na kaninang hapon. Lubos ang aking pasasalamat sapagkat ang bakuna ay dagdag proteksyon laban sa virus. Sinovac ang ginamit na bakuna sa akin at kasabay ko ang kapwa ko mayors at si Governor Jonvic (Remulla),” saad niya sa Facebook post kahapon, April 16.

Samantala, tiniyak ni Remulla na mas magiging masigasig at paiigtingin pa ang vaccination program sa lungsod dahil nananatiling mataas ang COVID-19 case nito.

Hinikayat naman ni Revilla ang mga residente na magparehistro online para mabakunahan laban sa virus.

The post Bacoor Mayor Lani Mercado binakunahan kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bacoor-mayor-lani-mercado-binakunahan-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bacoor-mayor-lani-mercado-binakunahan-kontra-covid)