Dedesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging susunod na quarantine status sa NCR Plus area sa susunod na linggo.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, may meeting na ang Inter-Agency Task Force tungkol sa magiging quarantine sa Metro Manila at mga karatig-bayan.

Matatandaan na dineklara ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan noong March 29 hanggang April 4.

Bukod sa NCR Plus bubble, ilang lugar naman ang nilagay sa modified ECQ tulad ng Quirino at Isabela.

Inaasahan na ngayong Sabado de Gloria ay ianunsyo ng Pangulo ang magiging quarantine status simula April 5.

The post Bagong quarantine status sa NCR Plus, ihahayag ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-quarantine-status-sa-ncr-plus-ihahayag-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-quarantine-status-sa-ncr-plus-ihahayag-ni-duterte)