Bahagyang bumagal ang Bagyong Bising sa Philippine Sea habang pinananatili ang lakas nito.

Ayon din sa 5 AM bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, Abril 18, huling namataan ang bagyo sa 400 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.

Gumagalaw ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na hanggang 215 kph at pagbugso na aabot sa 265 kph.

Saad ng Pagasa, ang rain bands ni Bising ay magdadala ngayong araw ng katamtaman hanggang mabibigat at paminsang matitinding pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

“Flooding (including flashfloods) and rain-induced landslides are likely to occur especially in areas identified in hazard maps as highly or very highly susceptible to these hazards,” banggit pa ng ahensya.

The post Bagyong Bising bahagyang bumagal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagyong-bising-bahagyang-bumagal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagyong-bising-bahagyang-bumagal)